^

Metro

Sekyu narindi sa 6 gf, nagbaril sa sarili

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang secu­­rity guard ang kanyang buhay matapos itong magbaril sa sarili nang marindi sa pag-aaway ng kanyang anim na girlfriends kung saan tatlo ay buntis, kamakalawa ng hatinggabi sa Malate, Maynila.

Dead-on-the-spot si Julian­ Bangit, ng Maraluhat St. Am­paro Subd., Caloocan City bunsod ng tama ng bala ng baril sa kanyang sentido.

Ayon kay P/Sr. Insp. Jose­lito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insi­dente dakong alas-11:35 ng hatinggabi, sa loob ng Familie Pension House na mata­tagpuan sa #1547 Adriatico St., Malate, Maynila.

Nabatid na bago ang pagbabaril ng biktima, dumating umano ang isa sa kanyang girl­friend na si Genalyn Hate, 25, sa Pension House at kinompronta si Bangit.

Nag-away umano ang da­lawa dahil sa mga nadiskubre ng babae na bukod sa kanya ay may lima pang girlfriends ang biktima at tatlo sa mga ito ang nagdadalang-tao.

Naging bayolente umano ang pag-aaway ng dalawa hang­gang sa sampalin ng sekyu si Hate at umabot pa sa puntong nag-agawan ang dalawa sa service firearm ng nasawi.

Sa puntong iyon pumasok sa loob ang sekyu, dala ang kanyang baril at ilang minuto ay nakarinig na ng putok si Hate at nang puntahan ay nakita nitong nakadapa ang biktima at may umaagos na dugo sa ilong.

Nalaman na hiwalay umano sa kanyang asawa ang nasawi at kasalukuyan ay may anim itong girlfriends kung saan umabot na umano sa punto na nagpapang-abot ang mga ito sa pinapasukan ng biktima at nag-aaway-away.

Posible umanong naaburido na si Bangit kaya nagpasya itong wakasan na lamang ang buhay.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

ADRIATICO ST.

BANGIT

CALOOCAN CITY

FAMILIE PENSION HOUSE

GENALYN HATE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARALUHAT ST. AM

MAYNILA

PENSION HOUSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with