^

Metro

Dagdag cash benefits sa mga empleyado ng Navotas City Hall

-

MANILA, Philippines - Magandang balita sa lahat ng regular, casual at contractual employees sa Navotas City. Inihayag ni Mayor John Reynald Tiangco na makakatanggap ang lahat ng empleyado ng karagdagang cash benefits ngayong Disyembre. Hindi lamang ito dahil sa diwa ng Pasko kundi upang kilalanin din ang walang sawang pagpapagal ng mga empleyado at sa kanilang maayos na pagbibigay ng serbisyo publiko.

Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan, ibinalita rin ng Mayor ang ilan pang malalaking proyekto para sa mga taga-Navotas. Kabilang dito ang pagkakaloob ng cash loans sa mga napiling Navoteños na sumailalim ng seminars sa kung paano magsisimula o magpapalago ng kanilang negosyo sa ilalim ng ‘Tulong Puhunan project’ ng Navotas Hanapbuhay Center. Dalawang ambulansiya rin ang ipinagkaloob sa Health Dept. ng lungsod sa pamamagitan ng Priority Assistance Development Fund ni Cong. Toby Tiangco para sa serbisyong pagkalusugan ng mga taga-rito. Umaabot din sa P500,000 personal check ni Mayor Tiangco ang ipinagkaloob nito sa Navotas Scholarship Program para sa mga mahihirap na kabataan na nagnanais mag-aral.

DALAWANG

HEALTH DEPT

MAYOR JOHN REYNALD TIANGCO

MAYOR TIANGCO

NAVOTAS CITY

NAVOTAS HANAPBUHAY CENTER

NAVOTAS SCHOLARSHIP PROGRAM

PRIORITY ASSISTANCE DEVELOPMENT FUND

TOBY TIANGCO

TULONG PUHUNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with