^

Metro

Hinaydyak na tanker narekober

-

MANILA, Philippines - Isang tanker truck na nag­lalaman ng halos P1 mil­yon langis ang narekober sa Pampanga matapos na haydyakin sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO4 Alan dela Cruz, hepe ng theft and robbery section ng Quezon City Police District (QCPD), mismong ang Mexico Municipal Police Station sa Pampanga ang nakarekober sa Prometheum Trucking Service’s tanker truck (UUC-592).

Sinabi ni Dela Cruz, nakatanggap sila ng tawag mula sa municipal police station kaugnay sa pagkakatagpo nila sa truck ganap na alas-9, Linggo ng umaga sa may north-bound lane ng Provincial Road sa Sta. Maria, Mexico, Pampanga.

Dito anya ay naiwan pa ang may 20,000 litro ng bunker fuel nito.

Bagama’t ang langis na laman nito ay umaabot sa halagang P800,000, nani­niwala ang opisyal na agad na inabandona ito ng mga hijackers matapos malaman na naglalaman ito ng bunker fuel sa halip na petroleum o diesel fuel.

Nilinaw ni Dela Cruz na ang bunker fuel ay karaniwang ginagamit sa mga factory, mga planta at mga barko na mahirap na ibenta kaysa sa gasolina o diesel.

Ayon sa ulat, ang tanker­ truck ay hinaydyak ng walong armadong kalalakihang nagpakilalang mga pulis sa may panulukan ng D. Tuazon at Roxas Sts. sa Laloma, Quezon City ganap na alas-10:30 Sabado ng gabi.  Ricky T. Tulipat)

AYON

DELA CRUZ

MEXICO MUNICIPAL POLICE STATION

PAMPANGA

PROMETHEUM TRUCKING SERVICE

PROVINCIAL ROAD

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICKY T

ROXAS STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with