Fetus natagpuan sa balumbon ng basura

MANILA, Philippines - Isang fetus na tinatayang nasa 4 hanggang limang buwan ang natagpuan ng isang batang mangangalakal habang naka­tambak sa basura sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon sa ulat, ang naturang fetus ay natagpuan ng batang nakilala sa pangalang Christian sa may panulukan ng Visayas at Central Avenue, Brgy. Vasra ganap na alas-9 ng umaga.

Sinasabing unang inakala ni Christian na isa lamang basura ang fetus nang makita niya itong nakatambak sa ibabaw ng mga basura, pero nang kanyang lapitan ay isa pala itong nilalang kung kaya agad niyang idinulog ito sa barangay opisyal sa lugar.

Maaari umanong naanod lamang ng malakas na agos ng tubig ng ilog ang fetus kung kaya naitaboy ito sa nasabing lugar.  t

Show comments