^

Metro

Birthday party nauwi sa trahedya: 1 patay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang masayang party ng isang pamilya matapos masawi ang isang binata nang paulanan ng bala ng baril ng dalawang lalaki ang kanilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Glenn Concepcion, 21, ng Brgy. 43 ng nasa­bing lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Isa sa mga suspek ang nadakip at nakilalang si Christian Navarez, 19.     

Pinaghahanap naman ng pulisya ang kasama nitong isang alyas Layosa.

Base sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Masayang nagdiwang ng birthday party ang pamilya ng biktima dahil kaarawan ng ina nito.

Sa gitna ng kasayahan ng pamilya ay sumugod ang mga suspek na armado ng baril at pinagbabaril ang bahay ng pamilya Concepcion. Dito ay tinamaan sa ulo ang nasabing binata na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Mabilis namang tumakas ang mga suspek subalit sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Navarez.

Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaril.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

CHRISTIAN NAVAREZ

CONCEPCION

DITO

GLENN CONCEPCION

ISA

LAYOSA

MABILIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with