Lalaki, tinodas sa selos
MANILA, Philippines - Selos ang isa sa mga motibong iniimbestigahan ng pulisya matapos patayin sa saksak ang isang lalaki ng hindi pa nakikilalang suspect kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Nasawi noon din ang biktimang si Leopoldo Catapang, ng Calaca, Batangas habang nagsasagawa naman ng follow up operation ang pulisya upang matukoy ang suspect.
Sa imbestigasyon ni SP02 Rolando Prades, ng Station Investigation Division (SID), Pasay City Police, dakong alas-2:07 nang matagpuan ang biktima na duguan at wala ng buhay sa gate ng West Construction Corporation na matatagpuan sa Circulo Del Mundo, St. Andrew, Villamor Air Base ng nabanggit na siyudad ng ilang concerned citizen na kaagad na ipinagbigay sa pulisya ang insidente.
Nabatid sa ilang nakakakilala sa biktima na laging nakikita ang biktima na may kasama itong iba’t ibang babae.
Dahil dito, isa sa teorya ng pulisya na posibleng karibal sa pag-ibig ang pumatay sa biktima at selos ang isa sa anggulong kanilang iniimbestigahan.
- Latest
- Trending