^

Metro

eDalaw ng MCJ hindi magagamit sa illegal

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ng pamunuan ng Manila City Jail na hindi magagamit ang eDalaw sa anumang mga katiwalian ka­ bilang na ang cyber sex at pangongotong ng mga jail personnel.

Ang paniniyak ay ginawa nina MCJ warden Sr. Supt. Ruel Rivera at Female warden Supt. Esmeralda Azucena kasabay ng paglulunsad nito kamakalawa.

Ayon kay Rivera, may na­­katalagang BJMP person­nel sa area kung saan naka­tala ang mga presong ga­gamit ng eDalaw na tatagal lamang ng 10 minuto bawat isa.

Paliwanag ni Rivera, imo­monitor ang lahat ng kilos ng mga BJMP personnel gayundin ang mga inmates upang maiwasan ang kutsa­bahan at pang-aabuso upang maging priyoridad sa paggamit ng internet kung saan makakausap ng mga preso ang kanilang mga mahal sa buhay.

Nabatid kay Rivera na prayoridad nila ang mga pre­song walang dalaw kung saan nakipag-ugnayan na sila at mabigyan ng pagka­kataon ang mga pamilya na makausap bagama’t malayo sa isa’t isa.

Ang paglulunsad ng eDalaw sa MCJ ay dinaluhan ni DILG Secretary Jesse Robredo, 3rd District Congresswoman Naida Angping, asawang si Harry at Bgy. Chair­man Thelma Lim.

DISTRICT CONGRESSWOMAN NAIDA ANGPING

ESMERALDA AZUCENA

MANILA CITY JAIL

RIVERA

RUEL RIVERA

SECRETARY JESSE ROBREDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with