^

Metro

Kalsadang bawal paradahan, ilalabas ng MMDA

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sisimulan na ngayon ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority ( MMDA) ang paglalagay ng bawal na karatula sa lahat ng paparadahan ng mga sasakyan na nasa hurisdiksiyon ng Sampaloc at Sta.Mesa, Manila para gamitin bilang Christmas lane.

Nabatid kay MMDA Public Information Office Director Candy de Jesus na hindi la­mang ang pagbabawal ng pagparada sa mga lansa­ngan na gagamitin bilang alternatibong daanan kundi maging ang paglalagay ng iba pang sagabal tulad ng pagtatayo ng karinderya at paglalagay ng mga ambulant vendors sa mga lansangan.

Sa kautusan ni  MMDA Chairman Francis Tolen­tino, nais nitong   palawa­kin pa ang sakop ng Christmas Lane dahil na rin sa kasalukuyang pagtatayo ng undepass sa panulukan ng Araneta at Quezon Avenue na isa rin sa dahilan nang pagsisikip ng trapiko.

Kabilang sa mga alternatibong route  sa distrito ng Sampaloc na ipagbabawal na ang pagparada ay ang Vicente Cruz St., Piy Margal, Laong-Laan, M. Dela Fuente, Maria Clara, Sergio Loyola, Dapitan, at iba pang mga lansangan na palabas ng España at E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.

Ayon kay De Jesus,  dahil sa extension  ng Christmas Lane, nasa 170-kilo­metro na ang sakop nito na mas mahaba kumpara sa dating 150-kilometro.

Matatandaan, na hinikayat ni Tolentino ang mga mo­torista na gamitin ang ti­na­­guriang Christmas Lane bilang alternatibong daan sa halip na makipagsiksikan sa masikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA lalu na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

CHRISTMAS LANE

DE JESUS

DELA FUENTE

FRANCIS TOLEN

MARIA CLARA

METROPOLITAN MANILA DEVE

PIY MARGAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with