^

Metro

Tanod, 1 pa binaril patay

-

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang binaril at pinatay ng mga hindi pa nakikilalang suspect kamakalawa sa magkahiwalay na insi­dente sa Maynila at Quezon City.

Patay na ng idating sa ospital si Roberto Aguirre, 39, ng Habitat, Baseco Compound, Port Area.

Sa ulat ni SPO1 Ramir Dimagiba ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section, dakong alas-6:45 ng gabi nang pasukin ng di pa kilalang armadong lalaki ang bahay ng biktima at nang makitang natutulog ay mabilis na pinutukan sa mukha.

Dahil sa putok, nagising naman ang live-in partner ng biktima na si Evangeline Quisoc at nakita ang katabi na naliligo­ sa dugo kaya dinala sa pagamutan, habang ang suspect ay mabilis na tumakas.

Samantala, dead on the spot naman si Edilberto Ramos­, alyas Junior Mata, 47, may-asawa ng Sta. Lucia, No­valiches­, Quezon City.

Ayon kay PO3 Arvvie Manlungat ng Police Station 4 ng QCPD, isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Ramos ng barilin ito ng isang hindi nakikilalang salarin ilang segundo matapos silang mag-usap sa lungsod Quezon­ kamakalawa. Agad na tumakas ang suspect sakay ng motorsiklo­.

Sa ulat ng pulisya, si Ramos umano ay kilalang drug pusher sa lugar kung saan dati na itong nakulong sa kaha­lintulad na kaso noong 2007.

Lumilitaw na nangyari ang insidente sa may Nenita corner­ Trinidad St., Brgy. Gulod ganap na alas 9 ng gabi.

Lumilitaw na bago ang pamamaril, sakay umano ng kan­yang bisikleta ang biktima nang harangin ito ng suspect sakay ng motorsiklo at kausapin.

Habang nag-uusap ay bigla na lamang umanong nagbunot ng baril ang suspect at pinaputukan sa ulo ang biktima.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa dalawang insidente. (Ludy Bermudo at Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARVVIE MANLUNGAT

BASECO COMPOUND

EDILBERTO RAMOS

EVANGELINE QUISOC

HOMICIDE SECTION

JUNIOR MATA

LUDY BERMUDO

LUMILITAW

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with