^

Metro

3 bebot huli sa pekeng cedula

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Mayor’s Complaint and Action Team (MCAT) ang tatlong babae na naaktuhang nagbebenta ng pe­ keng cedula noong Biyer­nes sa Manila City Hall.

Ayon kay Ret. Col Frank­ lin Gacutan, sina Imelda Aquino, 45 at Liza Sepata, 35, ay nakuhanan ng 87 piraso ng pekeng cedula sa city hall na umano’y binibili nila sa halagang P5 bawat isa mula kay Ma. Vicenta Benedicto, alyas Vicky at residente ng  Blk.170 Lot. 1 Phase 4,Paliparan, Dasmariñas, Cavite.

Dahil dito, nagsagawa ng follow-up operation ang MCAT kung saan nakita si Benedicto na nagbebenta at nakuhanan naman ng 117 piraso ng pekeng CTCs.

Nalaman na ibinebenta umano sa publiko sa hala­gang P20 ang kada isang pekeng CTCs.

Nauna dito, nabatid na nakatanggap ng reklamo si Manila Mayor Alfredo Lim, kaugnay sa talamak na bentahan ng pekeng cedula sa labas ng city hall, kaya ini­utos nito kay Gacutan na magsagawa ng operasyon at arestuhin ang mga taong nasa likod ng pabebenta ng pekeng cedula.

Idinagdag pa ni Gacutan na walang lugar sa city hall ang bentahan ng mga pekeng cedula na isang uri ng panloloko sa publiko.

Nahaharap sa kasong selling fake counterfeited CTCs at falsification of public documents ang tatlong babae sa Manila Prosecutors Office.

AYON

COL FRANK

COMPLAINT AND ACTION TEAM

GACUTAN

IMELDA AQUINO

LIZA SEPATA

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA PROSECUTORS OFFICE

VICENTA BENEDICTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with