Libreng sakay sa MRT at LRT

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Department of Trans­portation and Communication (DOTC) ang pagkakaloob ng libreng sakay sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit para sa mga sasali sa Million Volunteer Run ng Philippine National Red Cross at Access 2020 Race to Success ng Tahanang Walang Hagdan ngayong araw na ito (Disyembre 4).

Sinabi (DOTC) Secretary Mar Roxas, kailangan lamang isuot ang pulang t-shirt na bigay ng Red Cross para makalibre ng sakay mula alas-5:00 hanggang alas-9:00 ng umaga.

“We support Tahanang Walang Hagdanan event as part of this year’s celebration of the International Day of Persons with Disability,” ani Roxas.

Ang nasabing okasyon ay naglalayong isulong ang bolun­tarismo gayundin ang pagkalinga sa mga PWD at mapalawak ang turismo sa bansa.

Show comments