^

Metro

Mag-asawang parak inambus sa Maynila

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kapwa sugatan makaraang tambangan ang mag-asawang parak ng anim na lalaking lulan sa tatlong motorsiklo sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng hapon.

Kapwa isinugod sa Chinese General Hospital ang mga biktimang sina SPO1 Jerome Alla, 31, nakatalaga sa District Police Special Battalion (DPSB) ng NPD at misis nitong si Jullie Alla, 33, nakatalaga sa Police Community Relations Group ng NPD.

Si Jerome ay natamaan lamang sa braso habang ang misis ay tinamaan sa kaliwang bahagi ng balikat. Habang isinusulat ang balitang ito, kapwa nasa Emergency Room ng nabanggit na pagamutan ang mag-asawa.

Nabatid na dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang pananambang sa panulukan ng Aurora Blvd. at Pampanga St. sa Sta. Cruz.

Minamaneho ni Jerome ang motorsiklo at angkas ang misis nito nang pagsapit sa lugar ay hinarang ng mga suspect at mabilis na pinaulanan ng putok, at nang mabuwal ang target ay nagsitakas ang mga huli.

Nabatid na ang mga biktima ay may dala umanong malaking halaga ng pera dahil negosyo nila ang pagpapautang sa ilang residente at negosyante o vendor sa Blumentritt, kaya posibleng plano silang holdapin ng mga suspect.

vuukle comment

AURORA BLVD

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRUZ

DISTRICT POLICE SPECIAL BATTALION

EMERGENCY ROOM

JEROME ALLA

JULLIE ALLA

KAPWA

NABATID

PAMPANGA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with