^

Metro

Ermita shootout: 3 holdaper utas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bulagta ang tatlong umano’y holdaper nang makipagpalitan ng putok sa mga humahabol na mga ta­uhan ng Manila Police District-Station 5 sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan sa mga nasawi na inilarawan ang una sa edad na 35-38, naka-t-shirt na puti, cargo pants at tadtad ng tattoo kabilang ang “Jerry/Rolan” sa kaliwang balikat at “Ablaza” sa likod at “Sputnik”; ang panga­lawa ay nasa 23-25 anyos, naka-t-shirt na puti, itim na short pants, may tattoo na “Sputnik” at ang ikatlo ay nasa 22-25 anyos, nakasuot ng puting sando, blue na short pants at walang tattoo sa ka­tawan.

Isa pang suspect ang nakatakas habang nagkakaputukan.

Sa ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab ng MPD-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Muelle del Rio St., sa likod ng PhilPost building.

Positibong kini­lala ng mga biktimang sina Lincon Lazaro, 22; Jaclyn Lopez, 28; at Hector Lopez, 28, ng Sta. Cruz, Maynila, ang mga suspect na tumangay ng kanilang mga kagamitan at pera.

Sumakay umano ang mga suspect sa P. Gil St. sa sinasak­yan ng mga biktima na may biyaheng pa- Monumento nang pagsapit nila sa paanan ng McArthur Bridge ay nagdeklara ng holdap at nilimas ang mga ka­gamitan at pera ng mga biktima at mabilis na nagsibaba.

Nagpasaklolo naman ang mga biktima sa Lawton Police Community Precinct kaya nagawa pang mahabol ng mga pulis ang mga suspect.

Nang papalapit na ang mobile car ay nagpaulan ng putok ang mga suspect kaya ginantihan ng mga pulis at nasapul naman   ang 3 suspect habang ang isa umano ay nakatakas.

BERNARDO CAYABYAB

GIL ST.

HECTOR LOPEZ

HOMICIDE SECTION

JACLYN LOPEZ

LAWTON POLICE COMMUNITY PRECINCT

LINCON LAZARO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with