^

Metro

100 pamilya nasunugan sa Pasay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Malungkot ang Pasko ng may 100 pamilya sa Pasay City makaraang matupok ang kanilang mga bahay sa may limang oras na sunog kamakalawa ng gabi.

Pasado alas-7 ng gabi nagsimulang sumiklab ang apoy sa boarding house ng isang Valerio Gonzales sa may Maginhawa St., Brgy. 14 Zone 1, ng naturang lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga karatig-bahay hanggang Estrella St. na karamihan ay gawa sa light materials matapos na sumiklab ang mga kawad ng kur­yente nang hindi agad maputol ang suplay ng kuryente sa naturang lugar.

Umabot ang sunog sa Task Force Bravo na naapula lamang ng mga bumbero dakong alas-12:15 na ng madaling-araw.

Sugatan sa naturang insidente ang fire volunteer na si Dick Uy, 47, ang residente na si Cezar Ramirez na nagtamo ng 2nd degree burn at isang Romulo Tuquero.

Maaari umano na ang   sala-salabat na kawad ng kur­yente sa naturang lugar ang sanhi ng sunog. Tinatayang umaabot sa P1.5 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa naturang sunog.

vuukle comment

BRGY

CEZAR RAMIREZ

DICK UY

ESTRELLA ST.

MAAARI

MAGINHAWA ST.

PASAY CITY

ROMULO TUQUERO

TASK FORCE BRAVO

VALERIO GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with