^

Metro

Ex-police sugatan sa holdap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang dating pulis ang nasugatan nang masaksak ng isa mga suspect makaraang tangkain ng una na manlaban sa mga huli habang hinoholdap ang sinakyan niyang pampasaherong bus sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Base sa report, kinilala ang biktima na si SPO1 Nestor Miral, 56, at tubong Poblacion ng Rosales, Pangasin­an.

Si Miral ay nakaratay ngayon sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa tinamong mga saksak sa leeg, tiyan at kamay.

Ayon sa mga hinoldap na pasahero, pawang mga kabataang nasa edad na 18 hanggang 19 ang mga suspect at mga katamtaman lamang ang panga­ngatawan ng mga ito.

Nangyari ang insidente sa may NIA Road, EDSA ganap na alas-12 ng hating­gabi.

Diumano, sakay ng Malanday Metro Link (TWK-401) na minamaneho ng driver na si Renato Briones ang biktima kasama ang may 25 pang pasahero nang holdapin ng apat na suspect.

Sumakay umano sa Cubao ang mga suspek pa­tungo sa Caloocan at habang tinatahak ang kahabaan ng EDSA partikular sa NIA ay nagdeklara ng holdap ang mga ito.

Sinasabing natutulog naman ang biktimang si Miral ng mga sandaling iyon at ginising ito ng katabing babae na nagpabatid sa kanya na hinoholdap sila.

Dito na naalimpungatan si Miral at nang marinig na hino­holdap sila ay tinangka nitong bunutin ang kanyang baril subalit agad siyang niyakap at inundayan ng sunud-sunod na saksak sa katawan ng isa sa mga holdaper.

AYON

CALOOCAN

CUBAO

MALANDAY METRO LINK

MIRAL

NESTOR MIRAL

RENATO BRIONES

SI MIRAL

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with