e-Dalaw sa mga preso pinalawak ng BJMP
MANILA, Philippines - Upang maramdaman ng lahat ng mga preso sa lahat ng piitan ang kasayahan sa pagdiriwang ng Pasko, muling bubuksan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang e-Dalaw System sa Manila City jail, ngayong araw na ito.
Ang nasabing programa ay nauna nang ginawa sa Quezon City jail noong Oktubre kung saan marami sa mga preso rito ang nabigyan ng pagkakataong makausap nila ang mahal nila sa buhay na malalayo at hindi nakakadalaw.
Sa pamamagitan ng e-Dalaw kung saan gumagamit ng computer internet video call ay nagagawang makausap at makita ng mga preso ang kanilang mga kaanak at pamilya sa ating bansa o sa ibang bansa.
Sa ngayon, pinalawig ng BJMP ang proyekto sa malalaking bilangguan sa Metro Manila at susundan na rin nila ito sa Visayas at Mindanao katuwang ang Office of the Secretary General.
- Latest
- Trending