^

Metro

GF ni Ramgen Revilla nakalabas na ng ospital

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakalabas na kahapon ng Asian Hospital Medical Center ang dating television talent na si Janelle Manahan, ang kasintahan ng napaslang na si Ramgen Revilla.

 Dakong alas-2 ng hapon ng lumabas ng pagamutan si Manahan makaraan ang ilang linggong pananatili matapos na sumailalim sa operasyon dahil sa tama ng bala sa kanyang panga.

 Sa pahayag ni Manahan na binasa ng abogado nito na si Atty. Argee Guevarra, pinasalamatan nito lahat ng mga nagdasal para sa kanyang mabilis na pagrekober. Pangangalagaan umano nito ang pangalawang buhay na ibinigay sa kanya ng Pa­nginoon.

 Sa ngayon magpapahinga muna si Janelle upang mapaghandaan ang pagtestigo sa kasong pagpatay sa kanyang   kasintahan sa gagawing pagdinig sa Disyembre 2. Una nang tiniyak ni Janelle na hahanapan niya ng hustiya ang pagkamatay ng kanyang nobyo.

 Nakatakda ring magsu­mite ng affidavit ang panig ni Manahan sa Department of Justice upang maisailalim sa “witness protection program” ang dalaga.

 Una nang nanawagan si Manahan kay Ramona Revilla, isa sa inakusahang utak sa pagpatay kay Ramgen na bumalik ng bansa upang patunayan na wala siyang kinalaman sa krimen.

 Kaugnay nito, hindi naman nakadalo ng personal ang isa pang nagtatagong suspek sa krimen na si Ryan Pastera, alyas Bryan, sa pre­liminary investigation sa Parañaque City Pro­secutor’s Office kahapon. Dumalo naman­ dito ang abogado ni Pastera na si Atty. Melinda Salcedo na nagsumite ng “certificate of appearance” na tinanggap naman ng piskalya.  

vuukle comment

ARGEE GUEVARRA

ASIAN HOSPITAL MEDICAL CENTER

CITY PRO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JANELLE

JANELLE MANAHAN

MANAHAN

MELINDA SALCEDO

RAMGEN REVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with