Pananakit ng yaya sa alaga huli ng CCTV
MANILA, Philippines - Arestado ang isang yaya nang makita sa close circuit television (CCTV) camera na sinasaktan ang inaalagaan na isang taong gulang na batang lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Nakakulong at nahaharap sa kasong physical abuse in relation to child abuse ang suspek na si Amelina Tejero, 19, stay-in sa Diego Silang St., Deparo ng nabanggit na lungsod.
Sa reklamo ni Nervie Buo, 30, ina ng biktima, nabatid na dakong alas-6:30 ng gabi, tiningnan niya ang ikinabit na CCTV sa kanilang kuwarto at laking gulat nang makitang sinasaktan ng suspek ang kanyang anak.
Agad na nagsumbong sa mga pulis si Buo na naging dahilan upang dakpin ng mga pulis ang suspek.
- Latest
- Trending