^

Metro

Totoy binulabog ng sawa

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang sawa na may habang anim na talampakan ang natagpuan sa isang comfort room sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, ang sawa ay natuklasan ng isang Michael Alcaras, 12, sa may gilid ng inidoro ng kanilang palikuran sa Aguho St., Brgy. Claro, Project 3 ganap na alas-6 ng gabi.

Ayon kay Alcaras, maliligo sana siya nang mapuna niya na katabi na niya ang nasabing sawa at sa takot ay agad siyang tumakbo papa­labas at humingi ng tulong­.

Agad namang sumaklolo ang kanyang mga kapitbahay at hinuli ang nasabing ahas, saka ikinulong sa may maliit na drum.

Sinasabing hindi lang isang beses na nakahuli ng sawa sa naturang lugar kung saan ang mga nauna nang nahuli ay ibinenta o ginawang pulutan.

Ayon sa mga residente, malapit umano ang kanilang lugar sa creek na pinaniniwalaang tinitirhan ng mga sawa.

vuukle comment

AGUHO ST.

ALCARAS

AYON

BRGY

ISANG

MICHAEL ALCARAS

QUEZON

SAWA

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with