^

Metro

Mga imburnal sa Marikina iinspeksiyunin

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Bunsod ng mga sunud-sunod na nakawan sa mga pawnshop kung kaya iinspeksiyunin ng Marikina City Police at ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang mga imburnal sa lugar na gina­gamit na daanan ng mga magnanakaw.

Ayon kay P/Sr. Supt. Gabriel Lopez, hepe ng Marikina City Police, iminungkahi nila ang pag-iinspek­syon sa mga imburnal lalo na ’yung mga malapit sa mga establisimento, partikular na ang mga pawnshop at banko.

Iminungkahi rin na maglagay ng bakal na rehas sa mga malalaking imburnal upang hindi makapasok ang mga magtatangkang looban ang mga establisimento sa pamamagitan ng pagdaan sa imburnal.

Matatandaan na may ilang beses na rin na nanakawan ang ilang pawn­shop kung saan ang mga suspect ay dumaan sa ilalim ng lupa o sa kanal para makapasok sa lolooban nilang establisimento.

AYON

BUNSOD

ESTABLISIMENTO

GABRIEL LOPEZ

IMBURNAL

IMINUNGKAHI

MARIKINA CITY POLICE

MATATANDAAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with