^

Metro

Empleyado, nagbigti sa City Hall

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nabulabog ang pang-Lunes na flag ceremony ng mga empleyado ng Pasay City Hall kahapon ng umaga makaraang madiskubre ang bangkay ng isang tauhan ng Pasay City Treasurer’s Office na hinihinalang nagbigti sa loob ng palikuran ng kanyang opisina.

Nakilala ang nasawi na si Ronaldo Urbina, 33, casual na empleyado ng Treasury Office ng Malibay, Pasay.

Natagpuan ang bangkay nito na nakabigti gamit ang kurdon ng electric fan na isinabit sa rehas na bakal ng palikuran ng City Treasurer’s Office dakong alas-6:30 ng umaga ng kasamahan nito sa trabaho na si Fernando Cunanan.

Ayon sa mga security guard ng City Hall, napakaagang pumasok ng biktima, dakong alas-4:20 ng madaling-araw kung saan ito ang nagbukas ng opisina ng Treasurer’s Office at hindi na lumabas.

Isang empleyada at da­lawang janitress ang papasok sana ng CR pero hindi mabuksan kaya kinuha ni Cunanan ang duplicate key.  Nang mabuksan, tumambad sa paningin ang bangkay ng biktima na nakadausdos ang mga paa sa sahig at nakabitin sa bakal na rehas na bintana.

Ayon sa ulat, sumama pa umano ang biktima sa outing kamakalawa para mag-swimming kasama ang ibang empleyado ng tanggapan. Wala naman umanong alam ang mga kasamahan nito kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima dahil sa wala naman itong naibulalas na hinanakit o problema.

Patuloy naman ang ma­susing imbestigas­yon ng Pasay City Police sa naturang malagim na insidente.

AYON

CITY HALL

CITY TREASURER

CUNANAN

FERNANDO CUNANAN

PASAY CITY HALL

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY TREASURER

RONALDO URBINA

TREASURY OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with