^

Metro

Dental clinic hinoldap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tugis ngayon ng Quezon City Police District ang dalawang kalalakihan na nangholdap sa isang dental clinic matapos na magkunwaring mga pasyente dito kamaka­lawa.

Kaya naman nagbabala ang QCPD sa mga kli­nika­ na mag-ingat dahil sa muling­ pag-atake ng mga ito lalo ngayong nalalapit na ang Pasko. 

Ayon sa ulat, ang huling­ biktima ng mga suspect ay ang klinika ni Dra. Maria Carmen Bautista sa may New York St., Brgy. Imma­culate Concepcion ganap na alas 3:50 ng hapon.

Bago nito, pumasok umano ang dalawang lalaki sa klinika ng biktima at nagkunwaring mga pas­yente na magpapa-ayos ng kanilang mga ngipin.

Nang makapasok sa loob ay saka nagdeklara ng holdap ang mga suspect, at sinamsam ang gamit at pera ng doktora tulad ng tatlong cellphone, P20,000 cash at tatlong tseke.

Natangay din ang dalawang cellphone, P3,100 cash ng secretary ni Bau­tista na si Cynthia Libian-Corro­, 30, at cellphone ng isang Alex Hilario.

Matapos na makuha ang pakay sa mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad­ sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALEX HILARIO

AYON

BAU

BRGY

CYNTHIA LIBIAN-CORRO

MARIA CARMEN BAUTISTA

NEW YORK ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with