^

Metro

BNG member todas sa kakosa

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang 25-anyos na miyembro ng “Bahala Na Gang” nang ratratin ng bala ng kanyang kakosa sa Malate, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Renato Zonito, residente ng #2102-Z  Adriatico st., Malate, Maynila.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspect na si Restituto Sabado, alyas “Totet”, 55-60, at residente ng Barangay 704,  Zone 77, Malate, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, naganap umano ang insi­dente dakong ala-1:30 ng hapon  sa harap ng bahay ng da­lawang barangay kagawad na sina Digna Catamora at  Jeff Friera­, ng Brgy. 707, Zone 77.

Nakikipagkuwentuhan umano ang biktima sa mga kaibigan nang dumating ang suspect na armado ng di nabatid na kalibre ng baril at biglang ipinutok ng limang beses sa biktima bago tu­makas.

vuukle comment

ADRIATICO

BAHALA NA GANG

BRGY

DIGNA CATAMORA

JEFF FRIERA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RENATO ZONITO

RESTITUTO SABADO

RICHARD LUMBAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with