^

Metro

'Pilipinas Natin' magtutungo sa Pampanga­

-

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio “Sonny” B. Coloma Jr. ang paglulunsad ng progra­mang “Pilipinas Natin” na naglalayong palaganapin ang “volunteerism” sa bawat Filipino lalo na’t ang mga kabataan na makilahok sa pagpapa-unlad ng bansa.

Matapos na magtungo sa ibang lalawigan, dadalhin naman ang progra­mang “Pilipinas Natin” sa Dr. Emigio Bondoc Convention Center sa San Luis, Pampanga ngayon Sabado (Nov. 26 sa ganap na alas-7 ng gabi na kung saan mahigit sa 1,100 volunteers at 2,000 estudyante mula sa iba’t ibang paaralan at komunidad sa Pampanga kabilang ang San Fer­nando, Angeles, Macabebe at karatig bayan tulad ng Bulacan, Laguna, Rizal, Nueva Ecija at Metro Manila upang makiisa at tumulong sa pagsasaayos ng mga public school buildings na na­salanta ng bagyo.

Gayundin, ang iba pang aktibidades na isasagawa sa nasabing programa ay ang “Panata sa Pilipinas Natin”  na pangungunahan din ni Secretary Coloma kasunod ng iba’t ibang performances na lalahukan ng youth-oriented groups at organizations.

Isinagawa ang naturang sere­monya sa pakikipagtulungan ng Pilipinas Natin sa Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP) para sa  “Tayo Na! School Rebuilding Challenge.”

Ang “Tayo Na! The School Rebuilding Challenge” ang tututok sa rehabilitasyon ng mga paaralang pampubliko sa bayan ng San Luis na kung saan ay matinding nasalanta ng bagyong “Pedring. Kabilang sa naturang programa ay ang isang konsiyerto na pangungunahan ng bandang Imago kasunod na rin ng iba’t ibang  pro­duction numbers mula sa Pampanga.

vuukle comment

COLOMA JR.

DR. EMIGIO BONDOC CONVENTION CENTER

METRO MANILA

NUEVA ECIJA

PAMPANGA

PILIPINAS NATIN

SAN LUIS

SCHOOL REBUILDING CHALLENGE

TAYO NA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with