^

Metro

Branch ng LBC, hinoldap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nalimas ang aabot sa P100,000 kita ng isang sangay ng LBC na nasa loob ng isang mall matapos na holdapin ito ng dalawang kalalakihang nagpanggap na mga empleyado nito sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 5, ang ni­loobang LBC ay nasa loob ng isang mall sa Brgy. Pasong Putik, Novaliches sa lungsod.

Pawang nakasuot ng uniporme at I.D na may posisyon na auditor ng naturang tanggapan ang dalawang suspect dahilan para mapaniwala nila ang empleyadong si Arfi Parac, 25, ng Maligaya Park Subd. Brgy Pasong Putik sa lungsod at papasukin sa loob ng kinalalagyan ng vault.

Nangyari ang insidente habang naghahanda na umano para magsara ang biktima ganap na alas-7:50 ng gabi. Mula dito, ay dumating ang mga suspect at nagpakilalang mga auditor ng kompanya saka inutusan si Parac na buksan ang vault para makapagsagawa ang monthly audit.

Matapos buksan, ay agad na naglabas ng patalim ang mga suspect at nagdeklara ng holdap saka iginapos ng isa sa mga suspect ang biktima.Habang ang isa namang suspect ay isinilid sa isang bag ang pera sa loob ng vault saka mabilis na nagsi­takas.

vuukle comment

ARFI PARAC

BRGY

BRGY PASONG PUTIK

HABANG

MALIGAYA PARK SUBD

MATAPOS

MULA

NALIMAS

PASONG PUTIK

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with