^

Metro

Ex-actor bugbog-sarado sa 15 modelo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Matinding pasa at mga sugat sa katawan at mukha ang tinamo ng isang dating aktor makaraang pagtulungan itong bugbugin ng may 15 modelo dahil sa away sa larong basketball sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ang insidente ay nabatid makaraang personal na dumulog na may benda sa tenga sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection unit ng Camp Karingal ang biktimang si Ramon Carlos Castro, 37, dating actor ng Ang TV, at naninirahan sa Golf Hill Terraces, Manotok Drive, Brgy. Old Balara sa lungsod, upang magsampa ng reklamo laban sa may 15 suspect. Kasama nito ang kanyang abogadong si Atty. Eric Fer­nando.

Tinukoy ni Castro ang mga suspect na sina Carlo Lopez, Don Mendoza, Kerbie Zamora, Boo Dhugzz, Lemuelle Pangan Pelayo, Bjorn Aguilar, James Zablan, John Dennis Lim, Laxie Villar, Kris Melendrez, Vince Alas, Royan Hernandez, Amado­ Roan, at Joanna Montalbo, at tatlong iba pa na pawang mga modelo at mga residente sa may Brgy. Batasan Hills, Commonwealth Avenue.

Base sa reklamo ni Castro, nangyari ang insidente noong November 17, ganap na alas-9:30 ng gabi sa loob ng Capitol Estate 1 Subdivision basketball court na matatagpuan sa Brgy. Batasan Hills.

Bago ito, naglaro muna umano ang grupo ng biktima at grupo ng mga suspect ng basketball kung saan nanalo umano ang mga una ng apat na puntos matapos ang laro.

Habang nagpapahinga ang biktima sa upuan, nilapitan umano siya ng mga suspect at walang sabi-sabing pinagbu­bugbog. Sa tindi ng pananakit, nagtamo ang biktima ng ma­tinding pagdurugo sa tatlong malalalim na hiwa sa tenga, at bali sa balikat, pamamaga ng kanang pisngi sanhi para mawalan ito ng ulirat na humandusay sa semento.

Sa reklamo ni Castro, na­rinig pa umano niyang nagsa­salita ang mga suspect ng katagang “Gago ka, papatayin ka namin,” bago tuluyan siyang iwan ng mga ito.

Kasong frustrated murder at grave threats ang inihain ng biktima sa CIDG laban sa mga suspect, upang magkaroon umano ng katarungan ang nangyari sa kanya.

BATASAN HILLS

BJORN AGUILAR

BOO DHUGZZ

BRGY

CAMP KARINGAL

CAPITOL ESTATE

CARLO LOPEZ

COMMONWEALTH AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with