Binata itinumba ng rider

MANILA, Philippines - Patay ang isang 22-anyos na binata nang barilin ng lalaking sakay ng motorsiklo habang tumatawid ng kalye ang una sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Richard Austria, helper at residente ng Bldg. 9 Temporary Housing, Vitas, Tondo, Maynila dahil sa tinamong bala sa katawan.

Blangko pa sa motibo at pagkikilanlan sa suspect ang pulisya.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril malapit sa Police­ Community Precinct (PCP) sa Tondo.

Tumatawid umano ang biktima, kasama ang isang Heide Robles, 16, kasamahan sa trabaho nang biglang sumulpot ang motorsiklo at harapang binaril ang una.

Naisugod pa ng inang si Lorna Castillo sa pagamutan ang biktima nang malaman na nabaril ang anak pero hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Show comments