300 counts ng falsification, isinampa vs QC Hall employee

MANILA, Philippines - Sinampahan ng 300 counts ng falsification sa Quezon City court ang isang QC hall employee dahil sa pamemeke ng resibo ng mga aplikante ng police clearance noong 2009.

Ang kinasuhan ay si Nerissa Bondame, dating nakatalaga bilang miscellaneous fees collector ng Treasurer’s Office Tax and Fees Division sa QC hall at residente ng Villa Ange­lita Subd., Zabarte Road, Caloocan City.

Nalaman sa sala ni QC Regional Trial Court Branch 104 Judge Catherine Ma­nodon na noong Hunyo 2, 2009, habang pinanga­ngasiwaan ang mga apli­kante ni PO3 Ruben Dipa­supil, criminal record division custodian at fingerprint supervisor sa police clearance division sa compound of QC Hall nadiskubre niya na ang mga resibo ng mga aplikante rito ay peke at hindi nagma-match sa orihinal na resibo dahil sa kulay nito.

Nang tanungin ang mga aplikante kung saan nakuha ang resibo, direktang itinuro ng mga ito si Bondame.

Nang sitahin ni Dipasupil si Bondame, itinuro naman nito na nakuha niya ang resibo mula sa city treasurer’s­ office.

Sa preliminary investigation, hindi naman sumipot ang akusado dahilan para lalu itong idiin sa kaso.

Pinayagan ng korte na makapaglagak ito ng piyan­sang P24,000 para sa bawat bilang ng kaso.

Show comments