^

Metro

Gail Bautista itinangging sangkot sa Ramgen murder

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Binasag na ni Gail Bau­tista ang pananahimik nito kung saan itinanggi ang anumang pagkakasangkot sa pamamaslang sa kanyang kapatid na si Ramgen Revilla.

Sinabi ng kapapa­nganak pa lamang na si Gail na hindi rin niya kilala ang isa sa mga suspek na si Glaiza Visda na itinuturo siya bilang pinakautak sa naganap na pamamaslang sa kapatid.

Inamin naman nito na kilala niya si Ryan Pastera na siya ngang bestman ng kanyang mister sa kanilang kasal.

Ngunit ipinagtanggol din ni Gail si Pastera na hindi umano magagawa ang krimen dahil sa mabait ito at buhat umano sa disenteng pamilya.

Matatandaan na sa kanyang mga panayam sa media, itinuro ni Glaiza si Gail na siyang pinakautak umano sa krimen at ginamit ang kaibigan na si Ryan upang kumontak ng mga upahang hitman.

Sa pahayag din ka­maka­ilan ni Ramona Bautista sa Las Piñas Police, si Gail ang sinasabing kapatid niyang buntis na agad niyang tinawagan at pinuntahan makaraan ang pag-alis niya sa kanilang bahay matapos masaksihan ang pamamaslang kay Ramgen.

Sa kabila nito, sinabi ng Task Force Ramgen ng Parañaque City Police na hindi pa nila maituturing na suspek si Gail dahil sa hindi pa sila nakakakuha ng opisyal na sinumpaang-salaysay ni Glaiza.

Nakatakda naman nga­yong Huwebes na sumailalim sa preliminary investi­gation si Glaiza at ang ka­sintahan na si Norwin dela Cruz.

Ihihirit naman sa Department of Justice ng pulisya na magpalabas ng “watchlist order” laban kina Glaiza, Dela Cruz at sa nakakalaya pang suspek na si Ryan Pastera.

vuukle comment

CITY POLICE

DELA CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAIL BAU

GLAIZA

GLAIZA VISDA

LAS PI

RAMGEN REVILLA

RAMONA BAUTISTA

RYAN PASTERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with