^

Metro

Gusali sa tapat ng NAIA natupok

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Natupok sa dalawang oras na sunog ang isang itinatayong condominium building sa New Port City sa tapat ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kahapon ng umaga. Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog sa Sara­sota­ Residences na nasa loob ng sosyal na New Port City. Unang in­u­lat­­ ang pagsiklab ng apoy dakong alas-9:53 ng umaga­ at idineklarang under control­ ng mga bumbero dakong alas-11:40 ng tanghali.

Ayon sa ulat, nasa ilalim pa ng konstruksyon ang naturang gusali kaya walang nasaktan sa na­turang insidente. Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa napakakapal na itim na usok na nagmumula sa basement nito na hindi nila ma­pasok dahil sa nakakalasong kemikal na humalo­ sa hangin.  

May teorya ang mga bumbero na maaaring nadamay ang mga nakaimbak na pintura at iba pang kemikal sa basement ng gusali na siyang nagpalakas nang husto sa pagsiklab ng apoy. Hindi pa naman batid ng mga imbestigador ang pinagmulan ng apoy habang inaalam pa ang ka­buuang halaga ng ari-arian na nawasak sa insi­dente.

AYON

NAHIRAPAN

NATUPOK

NEW PORT CITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL

SARA

SHY

UMABOT

UNANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with