^

Metro

Koreano, computer shop hinoldap ng mga 'bagets'

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sumalakay ang grupo ng mga teenager nang pagnakawan ng mga ito ang isang Korean na­tional at ang isang computer shop sa magkahi­walay na insidente sa Malate, Maynila.

Unang naganap ang pandurukot kay Oh Young Jae dakong alas-8:20 ng gabi habang naglalakad ito sa Manila Bay at lapitan ng mga kabataan na nagpanggap na pulubi.

Ayon sa pulisya, nabaling ang atensiyon ng biktima sa 12 batang humihingi ng limos, habang isa naman dito ang kumuha ng I-phone nito na nag­kakalahaga ng US$800 o P35,000.

Nagulat na lamang ang biktima nang mapan­sing wala na ang kanyang mga personal na gamit.

Dakong alas-12:30 naman ng madaling araw nang holdapin din ng mga kabataan na armado ng  baril ang AJ computer shop sa panulukan ng Singalong­ at Zapanta Sts.

Ayon sa report, sinabayan ng mga suspect na nasa edad 13 hanggang 15 ang malakas na buhos ng ulan at hinoldap ang computer shop na pag-aari si Maritess Juan. Nakuha din dito ang isang cellphone na nagkakahalaga ng P15,000 at P800 cash.

vuukle comment

AYON

DAKONG

MANILA BAY

MARITESS JUAN

MAYNILA

NAGULAT

OH YOUNG JAE

ZAPANTA STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with