^

Metro

Bangkay ng kelot lumutang sa lagoon

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Bangkay na nang ma­tagpuan ang isang lalake na napa-ulat na dalawang araw nang nawawala matapos na lumutang sa lagoon sa loob ng Quezon City Circle, iniulat kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Derick Aquino, 29, empleyado ng Pe­dal N Paddle at residente ng Brgy. Common­wealth sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima sa Pedal N Paddle, isang atraksyon sa loob ng Quezon City Circle ganap na alas-11:30 ng gabi.

Huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-2 ng hapon noong Nobyembre 20 na kausap ang isang lalaking kostumer sa lugar na diumano’y nakahulog ng cellphone sa lagoon ng parke.

Sinasabing nakahanda umanong magbigay ng pabuya ang kostumer sa kung sino man ang makakakuha ng cellphone nito.

Ayon kay Marilou Mo­­rales, kasamahan sa trabaho ng biktima, nasabi umano ni Aquino na lulusong siya sa lagoon upang kunin ang cellphone ng customer dahil kailangan umano nito ng pera. Pinigilan pa ni Morales si Aquino, ngunit nagtuloy din ito sa paglusong.

Ganap na alas-11:30 kamakalawa ng gabi habang naghahanda na ang mga empleyado ng Pedal N Paddle para magsara, nakita ni Flo­rencio Singian, na may lumulutang na tao sa gitna ng lagoon.

Sa pagsisiyasat na­man na ginawa ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ng QCPD lu­malabas na ang biktima ay nagtamo ng mga su­gat sa kaliwang dibdib at kanang pisngi nito.

Sa kasalukuyan ay ina­alam pa ng mga ta­u­han ng Criminal Investi­gation and Detection Unit ng QCPD kung may nangyaring foul play sa insidente.

AQUINO

CRIME OPERATIONS

CRIMINAL INVESTI

DERICK AQUINO

DETECTION UNIT

MARILOU MO

PEDAL N PADDLE

QUEZON CITY CIRCLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with