^

Metro

Dance instructor nagbaril sa sarili

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 21-anyos na dance instructor ang sariling buhay sa pama­magitan ng pagbaril sa sarili makaraan ang mainitang pakikipag-away sa kasintahan, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .9mm na baril sa ulo ang biktimang nakilalang si Peter Edward Relayosa, ng Maligaya St., Malibay, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang pagpapatiwakal dakong alas-4:45 ng madaling araw sa loob ng silid ng biktima.

Ayon sa ina ng biktima na si Aling Mercedez, 51, nagi­sing siya makaraang marinig ang putok ng baril na nagmula sa kuwarto ng anak.

Nang puntahan ang kuwarto ng anak, dito na niya inabutan na naliligo sa sariling dugo ang biktima.

Bago ang pagpapatiwakal, nag-away sina Relayosa at ang kasintahan nito na naki­lala lamang sa pangalang Janet dahil sa selos. Posible umano na nakipagkalas ang babae sa biktima sanhi ng matinding depresyon nito.

Napag-alaman na noon pa man ay mayroon ng “suicidal tendency” ang binata dahil nagtangka na umano itong magpakamatay matapos mabigo sa unang pag-ibig. 

Humingi pa noon ng tawad si Peter Edward at nagsabi pa na baka mauna pa siyang mamatay bago ang kanyang mga magulang.

ALING MERCEDEZ

AYON

HUMINGI

MALIBAY

MALIGAYA ST.

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PETER EDWARD

PETER EDWARD RELAYOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with