^

Metro

Pulis 'tinalo' ng side mirror gang

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang pulis ang nanakawan ng mga side mirror matapos makatulog sa loob ng kanyang sasakyan habang naka­parada sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si PO3 Anthony Herrera, 38, ng Jacinto St,. Caloocan City.

Sa report ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang nakatulog ang pulis sa loob ng kanyang Isuzu Sportivo habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay at nagising ito nang maramdaman na umuuga ang sasakyan.

Pagmulat ng mata ng pulis ay nakitang baklas na ang mga side mirror na nagkakahalaga ng P10,000 at bitbit na ng mga suspek na papatakas sakay ng tricycle (3607-UA).

Hinabol ng pulis ang mga suspek at nang aabutan na ay huminto ang mga suspek at nagpulasan ng takbo at iniwan ang tricycle habang bitbit ang mga side mirror.

vuukle comment

ANTHONY HERRERA

CALOOCAN CITY

HINABOL

ISANG

ISUZU SPORTIVO

JACINTO ST

NAKILALA

PAGMULAT

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with