^

Metro

Kelot itinumba ng 2 armado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagkabutas-butas ang katawan ng isang hindi nakikilalang lalaki makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong suspect sa lungsod Quezon kamakalawa.

Dahil walang pagkakakilanlan, inilarawan ang biktima sa edad na 30-40, katamtaman ang pangangatawan, may taas na 5’2-5’5, nakasuot ng puting t-shirt, cream na short pants, puting ballcap, at may tattoo na Rose sa kaliwang dibdib.

Wala namang nakatukoy sa dalawang salarin dahil ma­bilis­ ding nawala ang mga ito sa nasabing lugar makaraan ang krimen­. Nangyari ang pamamaril sa may V.V Soliven Avenue, Brgy. Commonwealth ganap na alas-11:30 ng gabi.

Ayon sa testigo, bago ang insidente nakita niya ang biktima na hinahabol ng dalawang lalaki na armado ng baril sa nasa­bing lugar. Ilang sandali, narinig na lang ang mga putok ng baril at saka nakita ang biktima na bumuwal sa kalye. Matapos bumagsak­ ang biktima, muling pinagbabaril ito ng mga suspect, saka mabilis na nagsipagtakas.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na siyang agad na ikinamatay nito. Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente­.

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHIL

ILANG

MATAPOS

NAGKABUTAS

NAGTAMO

NANGYARI

PATULOY

V SOLIVEN AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with