^

Metro

Plate number sa helmet, pinaboran ng MPD chief

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dahil sa lumalalang insidente ng  riding in tandem,  pabor si Manila Police District director Sr. Supt. Alex Gu­tierrez   sa paglalagay ng  plate number ng motorsiklo  sa mga hel­met­ ng mga sakay.

Sa ginanap na People’s Day, sinabi ni Gutierrez na  hindi­ maaaring ipagbawal ang magka-angkas na  dalawang lalaki­ sa motorsiklo na ngayon ay madalas na nasisita dahil sa insidente ng panghoholdap at ambush.

Ayon kay Gutierrez, mas makabubuti kung  ilalagay din  sa helmet ang mga plaka ng motorsiklo upang madaling maberipika  sa mga checkpoints.

“Kung dalawa ang sakay dapat dalawang helmet ang may number ng plaka  na kanilang sinasakyan”, ani Gutierrez.

Pinayuhan din ni Gutierrez ang mga riding in tandem na  magkaroon ng koordinasyon sa mga nagsasagawa ng  checkpoints upang maiwasan ang anumang aberya.

Nabatid kay Gutierrez na pinadadagdagan na rin niya ang  mga checkpoints sa ilang lugar sa Maynila upang ma­tiyak na mabibigyan ng sapat na seguridad ang  publiko parti­kular na sa gabi at madaling araw.

Ang aksiyon ni Gutierrez ay alinsunod na rin sa kautusan ni  Manila Mayor Alfredo Lim na  dagdagan ang  police­ visi­bility sa ilang lugar sa lungsod dahil ito pa rin ang pi­naka epektibong paraan laban sa kriminalidad.

ALEX GU

AYON

DAHIL

GUTIERREZ

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with