^

Metro

Kelot utas sa pagtatapon ng hollow blocks

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Apat na saksak sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang 50 anyos na lalaki nang resbakan ng kapitbahay na sinita niya sa pagtatapon umano ng hollow blocks sa tapat ng kaniyang bahay, sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead on the spot si Mel­chor­ Cervantes, ng Port Area habang mabilis namang tumakas ang suspect na si Dennis Lucero, 37, laborer.

Sa ulat ni PO3 Jose Gu­milan ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente­ sa harapan ng isang bahay sa Malta 2-1a, Gawad Kalinga, Port Area.

Nagsimula umano ang alitan ng Sabado ng gabi, nang dumating ang suspect na lasing at nagbagsak ng hollow blocks sa tapat ng bahay ng biktima, na ikinagalit ng huli. Nauwi ito sa ma­ initang pagtatalo subalit naawat ng mga kapitbahay.

Kinabukasan, nang ma­­­­­gising ang biktima ay nagtu­ngo ito sa tindahan ng kan­­­­­­­yang misis nang bigla na lamang siyang pag-uun­dayan ng sak­­sak ng suspect.

vuukle comment

APAT

DENNIS LUCERO

GAWAD KALINGA

JOSE GU

KINABUKASAN

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PORT AREA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with