MANILA, Philippines - Hinihinalang nabarahan ang ilong nang masuka dahil sa sobrang nadede sa ina ang isang 3-buwang sanggol na babae na ikinasawi nito, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa ulat, napansin na lamang ng inang si Roseann na hindi na kumikilos at humihinga ang pinasususong si Joyce Ann Sarmiento, habang sila ay na tutulog sa loob ng kanilang bahay sa Chiqui St., Isla San Juan, Gagalangin, Tondo, Maynila dakong alas-6:45 ng umaga.
Ayon sa ina, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang tumigil na sa pagdede sa kaniyang dibdib ang anak.
Hinihinalang napunta sa baga ang gatas o napasukan ng gatas ang ilong kaya hindi nakahinga ang sanggol.