Roxas Boulevard isasara ngayon
MANILA, Philippines - Inaasahang magsisikiip ang daloy ng trapiko sa malaking bahagi ng Roxas Bou levard sa Maynila dahil isasara ito ngayong araw para sa gaganaping pagtakbo para sa Ilog Pasig.
Ang Run for Pasig River ay idaraos ngayong Linggo, Nobyembre 20, kung kaya’t pinayuhan ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na umiwas sa nabanggit na lugar.
Ayon sa MMDA, isasara ang kahabaan ng magkabilang lane ng Roxas Boulevard mula sa panulukan ng Katigbak Street hanggang sa may P. Ocampo.
Sa mga maaapektuhan motorista, pinayuhan ang mga dumaraan sa North-bound lane ng Roxas Boulevard na kumanan na ng Buendia Avenue.?
Kumaliwa naman sa F.B. Harrison o dumeretso sa Taft Avenue para doon kumanan at maari ring dumiretso hanggang sa Osmeña Highway patungo na sa destinasyon.??
Sa mga magmumula naman ng Pier o Anda Circle at babaybay sa South-bound lane ng Roxas Boulevard, kailangang kumaliwa na sa may P. Burgos pa lamang. Kumanan sa Maria Orosa, kanan muli sa T.M. Kalaw o pwede ring kumaliwa sa may M.H. Del Pilar.? Kaliwa sa Quirino, kanan sa Mabini patungo na sa F.B. Harrison o sa Taft Avenue.
Samantala, magbibigay naman ng libreng sakay ang MRT at LRT para sa mga lalahok sa 11.20.2011 Run for Pasig River.
Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), ang libreng sakay ay mula alas-5:00 hanggang alas-9:00 ng umaga.
Kinakailangan lamang umanong ipakita ng mga participant para sa taunang fun run ang kanilang race bibs sa mga MRT at LRT stations upang maka-avail ng libreng sakay. (Lordeth Bonilla, Ludy Bermudo at Mer Layson)
- Latest
- Trending