^

Metro

Sekyu basag ang pustiso, bali ang ilong sa suntok ng Kano

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isinailalim na kahapon sa inquest proceedings sa Manila­ Prosecutor’s Office sa kasong alarm and scandal at physical injuries ang isang 42-anyos na American national nang suntukin at sakalin ang isang security guard na humarang sa kaniya sa pagpasok sa isang gusali­ sa Intramuros­, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nabalian ng buto sa ilong at nabasag ang pustiso ng biktimang si Ramir Manacmol, 37, nakatalaga sa Inland Corporatation, Maynila isang freight at cargo forwarding company, na nasa Solana St., Intramuros kaya inireklamo ang suspect na si “Mr. RR Kayma Gander lll.

Naganap ang insidente kamakalawa ng hapon nang harangin­ ng biktima ang suspect sa pagpasok sa gusali dahil lasing at nagsisisigaw ito.

Biglang pinagsusuntok sa mukha ang sekyu habang sakal-sakal kaya nagpambuno sila hanggang sa ma­laglag ang holster ng biktima kasama ang service firearm na kalibre .38.

Tumakbo ang Kano at hinabol siya ng biktima na namataan ng officer-in-charge ng security personnel kaya naawat at naaresto si Gander, bago nai-turn-over sa MPD-GAS.

vuukle comment

BIGLANG

INLAND CORPORATATION

INTRAMUROS

ISINAILALIM

KANO

KAYMA GANDER

MAYNILA

NABALIAN

RAMIR MANACMOL

SOLANA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with