^

Metro

Mag-utol kinatay ang tiyo

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ng mag­kapatid ang kanilang tiyuhin makaraang maasar umano ang mga ito sa sermon ng huli kamakalawa ng gabi sa Valenzuela­ City. Nakilala ang nasawing biktima na si Salvador Francisco, 44, ng Pablo St., Brgy. Karuhatan ng nabanggit na lungsod.

Nadakip naman ang sus­­ pek na si Christopher Soriano, 23, habang nakatakas naman ang kapatid nitong si Carlo, 20, kapwa­ nakatira sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng bahay ng magtitiyuhin sa Pablo St., ng nabanggit na barangay.

Nabatid na sinisermunan ng biktima ang mga suspek dahil para­ting lasing at umiinom pa sa harapan ng kanilang bahay. Dahil dito, nagalit ang magkapatid hanggang sa kumuha ng patalim at pinagtulungan­ nilang sak­sakin ang kanilang tiyuhin­.

vuukle comment

BRGY

CHRISTOPHER SORIANO

DAHIL

KARUHATAN

NABATID

NADAKIP

NAKILALA

PABLO ST.

SALVADOR FRANCISCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with