^

Metro

7-anyos lunod sa swimming pool

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang grade 2 pupil ang nasawi at nakaligtas naman ang kasama nito matapos na malunod sa swimming pool kahapon ng tanghali sa Caloocan City .

Dead on arrival sa Nodado General Hospital ang biktimang si Russel Agwanta, 7, ng Phase 4, Package 4, Block 28, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, nabatid na dakong alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa isang swimming pool na pag-aari ni Emila Paden sa Phase 10-A, Pckg 28, Blck 28, Bagong Silang, Caloocan City.

Nabatid na nagtungo ang biktima kasama ang kanyang kaibigan na si Ricardo Caranza, 8, sa swimming pool upang maligo kung saan nagbigay ang mga ito ng sampung piso bilang bayad sa kalahating oras na paliligo.

Habang naliligo ang magkaibigan ay bigla na lamang napunta ang mga ito sa malalim na parte ng pool na naging­ dahilan upang malunod dahil parehong hindi marunong lumangoy.

Agad namang sinaklolohan ni Paden ang mga biktima at nagawang mailigtas nito si Caranza matapos malapatan ng paunang lunas habang dinala naman si Agwanta sa naturang pagamutan subalit hindi na rin ito umabot ng buhay.

vuukle comment

AGWANTA

AYON

BAGONG SILANG

BLCK

CALOOCAN CITY

CARANZA

EMILA PADEN

NODADO GENERAL HOSPITAL

RICARDO CARANZA

RUSSEL AGWANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with