^

Metro

Shootout uli sa Maynila: 2 holdaper patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Panibagong riding in tandem ang bumulagta makaraang makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Manila Police Dis­trict-Station 2 sa Tondo, Manila pa rin, kahapon ng mada­ling araw.

Inilarawan ang unang suspect sa edad na 25-30, may taas na 5’2, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay pulang t-shirt, itim na maong short, pants, tsinelas, naka-itim na bonnet at ta­ttoo na “Kabron” sa kaliwang dibdib at “Edmon Medel” sa kanang kamay, habang ang pangalawang suspek ay may edad sa pagitan ng 25-30 anyos, may taas na 4’6, nakasuot ng kulay blue na t-shirt, blue na maong short na puti at may tattoo na “Justine Ryan” sa kanang dibdib at “Ryan” sa kanang paa.

Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mapatay ng mga pulis ang dalawang suspect sa panulukan ng Narra at P. Algue Sts., Tondo.

Nagpapatrulya umano ang Mobile 321, na siya ring naka-engkwentro ng dalawang holdaper kamakalawa nang ma­kita ang dalawang biktima ng holdap na sina Mylene Abril, 37 at Aida Solas, 40, na nanggaling umano sa pamimili sa night market sa Tutuban mall.

Isinumbong ng dalawang biktima na tinutukan sila ng baril ng riding in tandem at ki­nuha ang kanilang mga shopping bag bago humarurot.

Nang abutan ng Mobile 321 ang dalawang suspect ay agad silang pinutukan kaya ginantihan sila ng mga pulis na nagresulta sa kanilang kagyat na kamatayan.

Nabawi sa mga suspect ang mga gamit na kinulimbat ng mga ito sa biktima at mga baril na ginamit sa pangho­holdap.

AIDA SOLAS

ALGUE STS

DAKONG

EDMON MEDEL

INILARAWAN

ISINUMBONG

JUSTINE RYAN

MANILA POLICE DIS

MYLENE ABRIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with