Bahay ng trader pinaulanan ng bala

MANILA, Philippines - Inaalam na ng mga aw­­toridad ang motibo sa ginawang pamamaril ng mga di-kilalang suspek sa bahay ng isang negosyante sa Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw.

Kaagad namang humi­ ngi ng tulong sa mga miyembro ng Mayor’s Action Command (MAC) ang negosyanteng si Cesar Dizon Jr., 48,ng Brgy. Plainview, Mandaluyong City, dahil sa pangambang bumalik ang mga suspek at muling paulanan ng bala ang kanilang tahanan at may masaktan na sa kaniyang pamilya.

Sinamahan naman ng mga miyembro ng MAC si Dizon sa Criminal investigation Unit (CIU) para por­mal na ireklamo ang nangyaring pamamaril sa gate ng kanyang bahay dakong alas-12:30 ng madaling-araw kahapon.

Sa reklamo ni Dizon, papatulog pa lamang silang mag-asawa, kasama ang dalawang anak na lalaki, nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril sa tapat ng kanilang bahay. Nang tumahimik ang paligid ay kaagad nang humingi ng tulong ang mag-anak sa MAC.

Nang siyasatin ng mga awtoridad, nakitang butas-butas ang gate ng bahay at nakarekober pa ng mga basyo ng bala.

Inamin ni Dizon na bago ang pamamaril ay nakakatanggap na rin sila ng mga death threats sa di kilalang caller sa hindi batid na kadahilanan.

Show comments