^

Metro

Bus ni Claire dela Fuente, biyahe uli

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Balik-biyahe na ang daan-daang bus units ng Philippine Corinthian Liner na isa sa may-ari ang singer na si Claire dela Fuente at iba pang bus companies makaraang magsumite ng apela sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

Inamin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tali na ang kanilang kamay o hindi na maaa­ring hulihin ang mga bus units ng mga kompanyang nakaapela na sa DOTC kaya maaari na muling makabiyahe ang mga ito.

Matatandaan na higit sa 800 bus units ng iba’t ibang bus companies ang sinuspinde ang mga prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos na makumpirma na nakilahok sa transport strike at tigil-pasada noong Nobyembre 15, 2010. Kabilang dito ang 129 bus units ng PCL.

Nabatid na dinagsa ng “tweets” ang MMDA sa concerned citizens na nakakita ng mga bus units ng mga sinuspindeng bus companies na malaya nang nakakabiyahe sa kanilang mga ruta.

Kasama rin sa mga makakabiyahe na ang Jell Transport na may 127 bus units na nasuspinde. Ito’y sa kabila ng isang bus nito ang nasangkot sa aksidente nitong Nobyembre 11 kung saan 11 pasahero ang nasaktan sa kabila na suspendido na sila ng naturang araw.

BALIK

BUS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

FUENTE

JELL TRANSPORT

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOBYEMBRE

PHILIPPINE CORINTHIAN LINER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with