^

Metro

Dalaga nagbigti sa rehab center

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dala ng labis na kalungkutan, minarapat ng isang da­laga na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng isang comfort room ng rehabi­litation center kung saan siya nakalagak dahil sa kanyang karamdaman sa lungsod Quezon, ayon sa pu­­lis­ya kahapon. “I-cremate daw siya at isabog sa South Pacific Ocean ang kanyang mga abo.”

Ito ang nakasaad, ayon kay SPO2 Jaime Jimena, may-hawak ng kaso, sa suicide note na iniwan ng biktimang si Angelica Valmonte, 32, na­ nunuluyan sa Talayan Village, Brgy. Talayan sa lungsod, matapos na magpaka­matay sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili.

Ayon kay Jimena, si Val­monte ay natagpuan ng nurse na si Oliver Nolasco habang nakabitin sa may curtain rod ng CR ng Timog Residence Home Care na matatagpuan sa may 10 Road 11, Brgy. Bahay Toro ganap na alas- 7 ng gabi. Bago ito, dagdag pa ni Jimena, si Valmonte ay dinala ng kanyang tiyuhin sa naturang rehabilitation center noong July 17, 2010 matapos na magkaroon ng manic depression.

Matapos ito, napag-alaman mula kay Nolasco na siyam na buwan na itong hindi dinalaw ng kanyang ti­yuhin at maging ng kanyang mga magulang na nasa ibang bansa. Ito ang hinihinala ng awtoridad ng naging ugat upang magpasya itong magpatiwa­kal.

Sinasabing bago ang insi­dente, ganap na alas -6:30 ng gabi ay kumain pa ito ng hapunan hanggang sa magtu­ngo ito sa banyo para maligo.

Subalit, ilang minuto ang lumipas ay hindi pa rin luma­labas sa CR ang nasawi, sanhi para magduda na si No­lasco at puwersahang buk­san ang pinto kung saan bumulaga sa kanyang harapan ang nakabiting katawan nito.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa nasabing in­si­dente.

ANGELICA VALMONTE

BAHAY TORO

BRGY

JAIME JIMENA

JIMENA

KANYANG

OLIVER NOLASCO

SHY

SOUTH PACIFIC OCEAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with