^

Metro

2 bus nagsalpukan: 50 pasahero sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Mahigit sa 50 pasahero ang sugatan sa salpukan ng dala­wang­ pampasaherong bus sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Sinabi ni Chief Insp. Maximo Sabio, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU), ng Traffic Sector 5, ang nagsalpukang mga sasakyan ay ang CEM bus (TYM 491) na minamaneho ng isang Rogelio Letran, at ang Everlasting­ Bus (TXG 647) na minamaneho naman ng isang Manolito Agustin.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue ganap na alas-10 ng gabi. Sinasabing tinatahak ng CEM bus ang naturang lugar patungo sa direksyon ng Fairview nang pagsapit sa may overpass sa tapat ng dating Montesori School, Brgy. Old Balara ay matumbok nito ang Everlasting bus na nakahinto dito para magbaba ng pasahero.

Sa lakas ng impact, nawasak ang unahang bahagi ng CEM bus habang nasira naman ang hulihan ng Everlasting bus. Ang resulta, nagtamo ng mga minor injuries ang mga pasahero ng parehong bus matapos na humampas ang mga katawan ng mga ito sa upuan.

Ikinakatwiran ni Letran, naging madulas umano ang kal­sada dala ng ulan, kaya hindi na niya nagawang maka­iwas kahit pilit niyang prineno ang bus. Ayon naman sa mga pasahero ng CEM bus, masyado umanong mabilis magpatakbo ang kanilang driver na tila nakikipag-karera sa isang bus kaya nangyari ang aksidente.

BUS

CHIEF INSP

COMMONWEALTH AVENUE

MANOLITO AGUSTIN

MAXIMO SABIO

MONTESORI SCHOOL

OLD BALARA

QUEZON CITY DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

ROGELIO LETRAN

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with