^

Metro

3 motorsiklo, 1 van kinarnap sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tinangay ng mga hindi na­kikilalang karnaper sa magkakasunod na insidente ang tatlong motorsiklo at isang L-300 na nakaparada sa magkakahiwalay na lugar, kamakalawa sa lungsod ng Maynila.

Base sa ulat ng Manila Police District-Anti-Carnapping and Anti-Carjacking Sec­tion, unang inireklamo sa tanggapan ang pagkawala ng isang Mitsubishi L-300 FB van (XDK-969) habang nakaparada sa may V. Mapa St., Sta.Mesa, Maynila na pag-aari ni Herman Cheng na nawala dakong­ alas-3:30 ng madaling araw.

Alas-6 ng gabi naman ini­reklamo ni Harold Fadit, ng Malunggay St., Magsaysay Village Tondo, Maynila ang pag­kawala ng kanyang Yamaha Sniper (9838-TI) habang nakaparada malapit sa Espiritu Santo church sa may Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na alas-7:30 ng gabi naman inireklamo ang pagkawala Susuzi Sky drive motorcycle (8600-TN) ni Rhaniel­ Benitez matapos tutukan ng baril ng da­lawang hindi naki­kilalang sus­pect sa may Bambang ma­lapit sa may Jose Abad Santos, Tondo, Maynila.

Habang alas-8:00 naman ng ireklamo ang pagkawala ng RUSI 2214-UA na pag-aari ni Victor Trinidad, habang nakapark sa harap ng isang condominium sa may Osmeña Highway, Ma­late, Maynila.

Nabatid na halos araw-araw ay may naire-report na pagkawala ng motorsiklo sa Maynila.

ESPIRITU SANTO

HAROLD FADIT

HERMAN CHENG

JOSE ABAD SANTOS

MAGSAYSAY VILLAGE TONDO

MANILA POLICE DISTRICT-ANTI-CARNAPPING AND ANTI-CARJACKING SEC

MAPA ST.

MAYNILA

MITSUBISHI L

NABATID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with