^

Metro

Estribo gang sumalakay: 20 pasahero nalimas

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nalimas ng apat na miyembro ng Estribo gang sa 20 pa­sahero ng bus ang P500,000 halaga ng alahas at salapi sa Quezon City kahapon ng umaga.

Base sa report, dakong alas-7:15 ng umaga nang holdapin ng apat na miyembro ng ‘estribo gang’ ang may 20 pasahero ng Malanday Metro Link Bus (TYH- 641) sa EDSA, Quezon City.

Sa imbestigasyon, patungo sa direksiyon ng Cubao ga­ling sa Malanday, Valenzuela ang nasabing pampasaherong bus at habang tinatahak ang EDSA, pagsapit sa may Phil Am Subd., Brgy. Philam, Que­zon City bigla na lamang nagdeklara ng holdap ang apat na lalaki na armado ng .45 kalibre ng baril at patalim.

Napag-alaman na isa sa pasahero na si Tessie de Guzman ay nasugatan nang akmang manlaban at matanga­yan ng mga suspek ng I- Touch cellphone na nagkakahalaga ng P30,000, habang ang isa pang pasahero ay pinalo rin ng baril sa ulo.

Matapos makuha ang mga gamit at pera ng mga pasahero ay mabilis na nagsibaba ng bus ang mga suspect sa may GMA sa EDSA.

vuukle comment

BRGY

CUBAO

ESTRIBO

GUZMAN

MALANDAY

MALANDAY METRO LINK BUS

MATAPOS

NALIMAS

PHIL AM SUBD

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with