^

Metro

Bebot nag-dive buhat sa 4th floor, lasog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 36-anyos na babae ma­karaang tumalon buhat sa ikaapat na palapag ng isang gusali matapos makipagkalas sa kanya ang karelasyon na tomboy­, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Desiely de Castro, dalaga, at naninirahan sa Unit 1021 Asian Mansion sa may Dela Rosa St., Legaspi Village, Makati.

Sa ulat ng Makati City Police, dumating sa Unit 410 ng Prince Tower Condominium sa may Tordesillas Street na pag-aari ni Sharmaine Galve si De Castro dakong alas-9:30 kama­kalawa ng gabi.

Kinumpronta nito si Galve makaraang wakasan nito ang kanilang relasyon. Labis umanong nagalit si De Castro hanggang sa magsisigaw ito sa loob ng condo unit ni Galve na nakakuha naman sa atensyon ng mga security guard ng gusali.

Kinatok ng mga guwardiya ang pinto ng unit ni Galve kung saan nagbanta naman si De Castro na tatalon sa gusali kapag binuksan ang pinto. Hindi naman ito pinansin ni Galve at akmang bubuksan ang pinto nang tumalon nga sa may bintana ang biktima. Sinabi ni Galve na tinangka pa niyang habulin si De Castro ngunit huli na.

Sa panayam kay Galve, sinabi nito na tuwing makikipaghiwalay siya kay De Castro ay lagi itong nananakot na magpapakamatay kaya hindi niya ito mahi­walayan.

Samantala, isang Ame­rikano naman na nakilalang si Robert Tipton Egulf, 48, ng Petersburg, Florida, USA, ang malubhang nasugatan makaraang malaglag sa escalator ng Greenbelt 4 mall sa Ayala Center, Makati dakong ala-1:52 ng madaling-araw kahapon.

Sa imbestigasyon, nahulog sa escalator ang dayuhang Kano dahil sa sobrang kalasingan matapos ang pakikipag-inuman sa isang res­taurant ng naturang mall. Agad namang isinugod sa Makati Medical Center­ si Egulf kung saan ito nagpapa­galing na.

ASIAN MANSION

AYALA CENTER

DE CASTRO

DELA ROSA ST.

GALVE

LEGASPI VILLAGE

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with